Miyerkules, Marso 5, 2014

sawsawan


SAWSAWAN

ni: Kiko Manalo

Ikinasal kahapon si Mama Sita,
Si Papa Ketsup po ang napangasawa,
Umiyak ang karibal ng masuwerteng binata,
Si Mang Tomas ito na nakakaawa!

Ang nagkasal po sa magkasintahan
Si Datu Puti na lider ng angkan,
Namroblema naman bisita sa handaan,
Sapagkat ang nakahain ay puro sawsawan!


Ang tulang ito ay isinulat ni Kiko Manalo noong taong 2012, isa sa mga kakaibang tula sa buwan ng wika ng taong iyon. Gagamitin ko ang teoryang Imahismo sa dekunstraksyon ng tulang ito. Ang teoryang Imahismo ay isang teoryang pampanitikan na tumutukoy sa Imahen at naniniwalang ang imahen ang nagbibigay ng kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda.

Ayon sa tula, may dalawang magkasintahang ikinasal kahapon na mula sa iisang angkan, sina ay si Mama Sita at Papa Ketsup. Habang kinakasal ang dalawa ay nagdadalamhati naman ang karibal ni Papa Ketsup na si Mang Tomas. Samantala si Datu Puti na lider ng angkan ang nagkasal sa magkasintahan ngunit tila ang mga bisita sa handaan ay hindi masaya dahil ang handa ay puro sawsawan.

Ayon sa teoryang Imahismo, naging malaya ang may akda sa pagpili ng subject sa tula. Gumamit sya ng pangkaraniwan o hindi malalalim na mga salita kaya madali itong maiintindihan. Ang pinatutukuyan ng tulang ito ang pagiging isa ng mga sikat na brand ng sawsawn na kilala natin. Pinaglaruan nya ang kanyang imahinasyon gamit ang iba’t ibang uri ng sawsawan. Wala itong malalim na kahulugan dahil ayon sa teoryang ginamit ko hindi binibigyang esensyal ang kahulugan at tanging imahinasyong lang ang gusto nitong paganahin.


SOURCES:

Miyerkules, Pebrero 19, 2014

what makes a place so special?

        Ang intramuros ang isa sa mga lugar na hindi mahal puntahan, kahit wala kang pera sulit pa rin dahil sa mga lugar na makikita mo rito. Ito ay isang lugar na nakapaloob sa isang napakahabang pader na pwedeng daanan o 'di ba ang astig!
        Hindi nasusukat ang quality ng moments with friends sa klase ng lugar na pupuntahan o sa mahal ng pagkaing kakainin.  Ok na kahit walang pera basta masaya. Kaya naman kasama ang ilan sa aking mga kaklase pinuntahan namin ang Intramuros at nilibot ang kabuuan nito. Marami kaming nakita na sobrang nakakamangha at nakakabilib dahil sa anyo at pagkakayari ng mga bagay na makikita dito.





         Sa pagpasok pa lang mula sa main entrance ay mararamdaman mo na ang saya sa lugar na kahit maraming tao, maeenganyo ka pa ring libutin ito. Nakapaloob sa lugar na ito ang iba't ibang Universities gaya ng Lyceum of the Philippines University, Mapua Institute, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Colegio de San Juan de Letran.

         Ang Intramuros ay isa sa mga historical places sa Pilipinas na nabuo sa panahon ng kastila, kaya naman patuloy na pinangangalagaan ang makasaysayang pagkaluma nito, pero dahil sa pag-usbong ng makabagong henerasyon, hindi pa rin mapipigilan ang paunti-unting pagbabago nito gaya na lang ng isang pader na may Graffiti na nagsasabing may bakas na rin ito ng pagbabago.



         Bukod sa pagpunta sa iba't ibang bahagi ng Intramuros ay kumain din kami sa isang restaurant na kilala sa pangalang ILUSTRADO at dito natikman ko ang pagkaing ngayon ko lang nalasahan ang Carrot Cake na sa halagang P90.00 ay hindi ka magsisisi.







        Sobrang nakakasaya sa damdamin na napuntahan ko ang isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas na hindi kailangang gumastos ng malaki at dahil dito hindi ako magsasawang puntahan pa ang ibang lugar na malusog sa kasaysayan at suportahan ang turismo ng sariling bayan dahil ang isang lugar ay nagiging espesyal dahil sa historical value nito at hindi dahil sa laki ng perang ginastos para dito. Ito ang sayang dulot sa akin ng Intramuros.















Miyerkules, Enero 29, 2014

"BABALA"

Recto, Manila, Enero 29, 2014- Ang larawang ito ay naglalayong 
magbigay ng babala sa lahat ng pasahero na 
mag-ingat sa masasamang loob.

Miyerkules, Enero 22, 2014

the feeling is mutual


Tumaas ang bill ng kuryente nyo? Huwag kang magalala, the feeling is mutual.

Bilang bahagi ng gitnang uri ng mamamayan, mahirap tanggapin ang biglaang pagtaas ng isa sa mga inaasahan ng tao na makapagpapagaan ng pangaraw-araw na pamumuhay, ang KURYENTE. Sa pagtaas nito mula sa P 12.32 per kilowatt- hour na umakyat sa P 16.16 per kilowatt- hour, samu’t saring reaksyon ang tinanggap ng MERALCO. Marahil sa mata ng mga nasa itaas ng lipunan ay maliit lang ang naging pagitan, pwes hindi sa mga mata ng isang pamilyang nagdarahop at pinagkakasya lang sapat sa araw-araw.

Bakit ba dapat tutulan ang pagtaas?  Dahil sa hindi makatarungang pagpapasya ng MERALCO at hindi sapat na pagkakaroon ng tamang pagpapaalam sa mga tao.

Bakit nga ba nagtaas? Dahil daw sa pagkasira ng Malampaya Power Plant na nagsusuplay ng enerhiya sa malaking bahagi ng Luzon kaya kinailangan ng pag-aangkat mula sa ibang suplayer ng enerhiya.(Ben Kritz, The Manila Times)

Hindi na ba talaga kayang tugunan ng gobyerno ang sapat na pagbibigay ng benepisyo sa mga Pilipino, kaya sa tuwing tataas ang gas o elektisidad damay lahat ng bilihin kaya nahihirapan ang karamihan sa atin dahil sa atin nila ipinapasa ang lahat.

Karugtong ng usaping ito ay ang Malampaya Deepwater Gas-to- Power Plantation na nasa Palawan. Katulad nga ng nasa itaas, ito ang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng Luzon upang magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente. Ang nakakapagtaka ay sa lugar kung nasaan ito ay nakatayo maraming kabahayan parin ang walang sapat na kuryente at gumagamit lang ng mga generator para sindihan ang kanilang ilawan tuwing sasapit ang gabi.

“Malampaya is a prime example of what we can do if we work together towards a shared vision”
‘Yan ang sabi ni Mr. Jericho Petilla, secretary ng Department of Energy sa nakaraang Malampaya Joint Venture Project noong February 21, 2013 na nagbigay ng US $ 1.1 Billion sa gobyerno (Malampaya.com). Ang tanong ngayon nasaan na?

Hanggat walang sapat na dahilan, walang karapatan ang Meralco na magtaas ng presyo. Wala ring karapatan ang gobyerno na suportahan ito dahil sa dami ng mga naghihirap na Pilipino. Imbes na bigyan pa nila ng dagdag na bigat sa pasanin ay dapat pa nilang tugunan ang pangangailangan ng lahat. Mayaman ang bansa natin, nagmumukha lang mahirap dahil sa hindi tamang paggamit ng kung ano ang meron tayo.


Sources:


Biyernes, Disyembre 27, 2013

kanya- kanyang pananaw (final draft)

Ang pakikisalamuha ay kinakailangan ng tao upang makatagal at hindi manatiling nag-iisa sa mundo. Pakikisalamuha na naglalayon ng pakikipagkapwa tao at pagiging mabuti sa iba.

Mula bata pa lamang ay sinanay na tayo ng ating mga magulang na makipagkaibigan sa pamamagitan ng pakikipaglaro sa kapwa bata. Ngunit hindi roon nagtatapos ang lahat dahil habang lumalaki ang isang tao ay mas lumalawak na rin ang mundong kanyang ginagalawan at dito mas nakakakilala sya ng iba’t ibang uri ng taong pakikisamahan.

Ang teoryang Social Penetration (SPT) na mula sa dalawang sikolohista na sina Irwin Altman at Dalmas Taylor ay tumutukoy sa proseso kung paano nagiging malalim ang relasyon ng dalawang indibidwal mula sa unang pagkakakilala hanggang sa makabuo ng isang pagkakaibigan o ng isang ‘intimate’ na relasyon. Ayon sa kanila, dumadaan sa proseso ng komunikasyon ang dalawang tao bago makarating sa sukdulan nito, ito ay ang mga sumusunod: (Griffin, Em, 2008)

Pagkilala 1.(orientation stage) kung saan nagkakaroon ng unang paguusap at nalalaman ang pangalan at mga simpleng bagay tungkol sa isa’t isa. Pagkatapos noon ay ang pag-uusap sa mas malalim na bagay 2.(exploratory affective stage) halimbawa ay tungkol sa buhay at sa issue ng lipunan kung saan ang palitan ng opinion at pagkilala sa kung paano mag-isip ang bawat isa ay nangyayari at nagbibigay daan sa pagkakataong makapag-usap ng mas personal at mas sinsero 3. (affective stage), pagkatapos noon ay ang pagkakataong maging emosyonal sa isa’t isa 4.(stable stage). Paglipas ng lebel na ito, ayon sa dalawang sikolohista, nangyayari ang  5.‘Depenatration’ kung saan nagaganap ang pagputol sa ugnayan ng dalawang indibidwal.(Griffin, Em, 2008)

Bibigyan ko ng atensyon ang lebel  o proseso ng SPT. Sa lahat ng lebel na ito, ang Depenetration Level lamang ang gusto kong magkaroon pa ng kalinawan.

Ayon sa aking pagkakaintindi, ang Social Penetration Theory ay hindi limitado sa usaping intimate relationship, maaari nitong sakupin lahat ng uri ng Interpersonal Communication, ang nakakalungkot lang, isa ito sa mga hindi naipaliwanag ng SPT, ang iba pang uri ng interpersonal na komunikasyon.

Sa puntong ito, hindi nabigyan ng mas malawak na pagpapakahulugan at dahilan kung paano nagyayari ang Depenetration. Masyadong naging mabilis ang proseso at nagiwan ng katanungan kung gaano ba kalawak at katagal bago mangyari ang pagputol sa ugnayan, maging ang mga dahilan kung bakit.

May mga kritiko na rin na nagpahayag ng ‘di pagsangayon sa teoryang ito na sinasangayunan ko rin naman. Para sa akin ang teoryang ito ay naging ‘one sided’ at masyadong na-generalize lahat ng relasyon. Hindi nabigyan ng konsiderasyon ang pag-uugali ng tao na maaaring maging dahilan ng hiwalayan. Nagiwan ito ng impresyon na lahat ng relasyon ay hahantong sa depenetration o termination ng relasyon kung saan sinasalungat naman nito ang nangyayari sa reyalidad na may mga taong nagsasama ng masaya at tapat sa isa’t isa.

Ang depenetration ba ay nangyayari sa lahat ng uri ng Interpersonal Communication?

Paano naman ang mga relasyon sa pagitan ng magkaibang lahi, halimbawa ng dalawang taong nagmula sa magkaibang bansa?

Sa mas malawak na pananaliksik ukol sa teoryang ito, nalaman ko na ang depenetration level, wala mang kaukulang proseso, mayroon namang mga dahilan kung bakit mayroong mga relasyong nauuwi sa hiwalayan, inuulit ko, mayroon ibig sabihin hindi lahat.

Ang SPT, partikular na sa depenetration theory, ay parang pagbili ng isda sa isang suking tindahan sa palengke, ito ay mayroong Reward- Cost scale na naaayon sa Law of Reciprocity na tumutukoy sa usapin kung bakit ba nagkakaroon ng depenetration.(Robert B.Cialdini, 1993)  Halimbawa:

Matagal na akong bumibili ng isda sa suki kong tindero, si Mang Pedro. Paborito ko syang bilhan ng isda dahil sa lagi itong sariwa. Isang araw nagtaas ang presyo ng gas kaya lahat ng produkto sa merkado ay apektado. Nagbayad ako ng sapat para sa isdang binili ko kay Mang Pedro kahit mahal ito. Paguwi ko sa bahay tsaka ko lang nalaman na bilasa ito. Hindi ko muna ito pinansin at inisip ko na lang na baka nagkamali lang sya. Ngunit ang pagkakamaling ito ay hindi isang beses lang naulit kundi 2(kung kalian nagsimula na akong magduda) 3,4,5,6 hanggang sa hindi na ako bumili sa kanya.

Sa senaryong iyon, maipapakita na hindi natugunan ni Mang Pedro ang pangangailangan ko bilang mamimili bagama’t nagbabayad ako ng sapat. Ito ay isang halimbawa ng Reward-Cost Scale. Ang pagbibigay ko sa kanya ng sapat na bayad ang nagsisilbing Cost ngunit ang pagbibigay nya ng kaukulang serbisyo na hindi nya sa akin naibigay ay ang Reward. Ang relasyon naming ni Mang Pedro ay naging one sided na naging dahilang ng terminasyon depenetration.

Kung sa tingin mo naman handa kang magpakamartir at piliing kumain ng isdang galing kay Mang Pedro kahit na alam mong bilasa na ito, pinili mo ‘yun pero wag mong iaalis ang katotohanang darating ka sa punto ng pagkalason at maaring mong ikamatay.

Isa pang halimbawa ay sa pagitan ng dalawang magkaibigan.

Mula pa lamang sa mababang paaralan ay magkaibigan na kami ni Dyann, mula sa unang baiting hanggang sa huli. Pagkatapos ng aming pagtatapos sa elementarya ay hindi na kami nagkita, palibhasa ay wala pa ako noong telepono, wala akong numero nya o kaya naman ng mga magulang nya. Hiwalay kaming pumasok sa mataas na paaralan at wala na akong alam tungkol sa kanya. Apat na taon makalipas ay sumikat ang mga social networking sites, noon ko naisip na hanapin ang kababata kong kaibigan, nagtagumpay naman akong nakita sya, nagkaroon pa ako ng pagkakataong mag-message sa kanya pero hindi nya ako sinagot. Sa unang beses ay hindi ako tumigil pero nang malaman kong nakikita naman nya lahat ng mga sinabi ko pero hindi naman nya ako pinagtuunan na sagutin doon na ako nagsimulang tumigil at nawalan ng ganang kumustahin pa sya.

Nagkaroon ng hindi sapat na pagtugon sa akin kaya nangyari ang Depenetration sa pagitan namin.

Ang isang relasyon ay hindi nasusukat ng kahit na anong formula, hokuspokus o mahika, ito ay naglalayon ng pasensya, tiyaga, respeto at tunay na kagustuhang magsama ang dalawang tayo, sa ganitong paraan maiiwasan ang depenetration ng isang relasyon.

Sources:

Griffin, Em (2008). A First Look at Communication Theory. McGraw-Hill, 471 pg., pg. 113
Retrieved: December, 2013


Robert B.Cialdini, 1993, author of The Psychology of Persuasion, William Morrow, 6 pg., pg. 4
Retrieved: December, 2013 from

Miyerkules, Disyembre 18, 2013

kanya- kanyang pananaw

SOCIAL PENETRATION THEORY

                Ang teoryang ito ay ayon sa dalawang sikolohiya na sina Irwin Altman at Dalmas Taylor noong 1973, na tumutukoy sa proseso kung paano nagiging malalim ang pagkilala ng dalawang indibidwal mula sa unang pagkilala maaaring sa pagitan ng dalawang magkaibigan o ng isang ‘intimate’ na relasyon. Ayon sa kanila, mayroong lebel patungo sa malalim na pagkilala ang dalawang indibidwal na pagdadaanan muna para makarating sa ‘core’ ng isang ralasyon. Sumasangayon ako na daraan muna sa pagkilala (orientation stage) ang dalawang tao kung saan nagkakaroon ng unang paguusap at nnalalaman ang pangalan at mga simpleng bagay tungkol sa isa’t isa. Pagkatapos noon ay ang pag-uusap sa mas malalim na bagay (exploratory affective stage) halimbawa ay tungkol sa buhay at sa issue ng lipunan kung saan ang palitan ng opinion at pagkilala sa kung paano mag-isip ang bawat isa ay nangyayari at nagbibigay daan sa pagkakataong makapag-usap ng mas personal at mas sinsero (affective stage), pagkatapos noon ay ang pagkakataong maging emosyonal sa isa’t isa (stable stage). Paglipas ng lebel na ito, ayon sa dalawang sikolohiya, nangyayari ang ‘depenatration’ kung saan nangyayari ang pagputol sa ugnayan ng dalawang indibidwal na hindi nabigyan ng mas malawak na pagpapakahulugan at dahilan kung paano ito nagyayari. Masayadong naging mabilis ang proseso at nagiwan ng katanungan kung gaano ba kalawak at katagal bago mangyari ang pagputol sa ugnayan.


                May mga kritiko na rin na nagpahayag ng ‘di pagsangayon sa teoryang ito. Ang teoryang ito ay naging ‘one sided’ sa lahat ng relasyon. Kung ang depenetration ay tumutukoy sa pagputol ng relasyon ibig sabihin ba lahat ng relasyon ay nagtatapos sa hiwalayan? Hindi rin nabigyan ng konsiderasyon na mas bukas ang mga kababihan kaysa sa kalalakihan pagdating sa emosyon. Masyado ring nag-focus sa intimate relasyonship at hindi na nabigyan ng atensyon ang iba pang uri ng Interpersonal Communication.