Ang pakikisalamuha ay kinakailangan
ng tao upang makatagal at hindi manatiling nag-iisa sa mundo. Pakikisalamuha na
naglalayon ng pakikipagkapwa tao at pagiging mabuti sa iba.
Mula bata pa lamang ay sinanay na
tayo ng ating mga magulang na makipagkaibigan sa pamamagitan ng pakikipaglaro
sa kapwa bata. Ngunit hindi roon nagtatapos ang lahat dahil habang lumalaki ang
isang tao ay mas lumalawak na rin ang mundong kanyang ginagalawan at dito mas
nakakakilala sya ng iba’t ibang uri ng taong pakikisamahan.
Ang teoryang Social Penetration (SPT)
na mula sa dalawang sikolohista na sina Irwin Altman at Dalmas Taylor ay
tumutukoy sa proseso kung paano nagiging malalim ang relasyon ng dalawang
indibidwal mula sa unang pagkakakilala hanggang sa makabuo ng isang pagkakaibigan
o ng isang ‘intimate’ na relasyon. Ayon sa kanila, dumadaan sa proseso ng
komunikasyon ang dalawang tao bago makarating sa sukdulan nito, ito ay ang mga
sumusunod: (Griffin, Em, 2008)
Pagkilala 1.(orientation
stage) kung saan nagkakaroon ng unang paguusap at nalalaman ang pangalan at
mga simpleng bagay tungkol sa isa’t isa. Pagkatapos noon ay ang pag-uusap sa
mas malalim na bagay 2.(exploratory
affective stage) halimbawa ay tungkol sa buhay at sa issue ng lipunan kung
saan ang palitan ng opinion at pagkilala sa kung paano mag-isip ang bawat isa
ay nangyayari at nagbibigay daan sa pagkakataong makapag-usap ng mas personal
at mas sinsero 3. (affective stage),
pagkatapos noon ay ang pagkakataong maging emosyonal sa isa’t isa 4.(stable stage). Paglipas ng lebel na ito,
ayon sa dalawang sikolohista, nangyayari ang 5.‘Depenatration’
kung saan nagaganap ang pagputol sa ugnayan ng dalawang indibidwal.(Griffin, Em, 2008)
Bibigyan ko ng atensyon ang
lebel o proseso ng SPT. Sa lahat ng
lebel na ito, ang Depenetration Level lamang ang gusto kong magkaroon pa ng
kalinawan.
Ayon sa aking pagkakaintindi, ang
Social Penetration Theory ay hindi limitado sa usaping intimate relationship,
maaari nitong sakupin lahat ng uri ng Interpersonal Communication, ang
nakakalungkot lang, isa ito sa mga hindi naipaliwanag ng SPT, ang iba pang uri
ng interpersonal na komunikasyon.
Sa puntong ito, hindi nabigyan ng
mas malawak na pagpapakahulugan at dahilan kung paano nagyayari ang
Depenetration. Masyadong naging mabilis ang proseso at nagiwan ng katanungan
kung gaano ba kalawak at katagal bago mangyari ang pagputol sa ugnayan, maging
ang mga dahilan kung bakit.
May mga kritiko na rin na
nagpahayag ng ‘di pagsangayon sa teoryang ito na sinasangayunan ko rin naman. Para
sa akin ang teoryang ito ay naging ‘one sided’ at masyadong na-generalize lahat
ng relasyon. Hindi nabigyan ng konsiderasyon ang pag-uugali ng tao na maaaring
maging dahilan ng hiwalayan. Nagiwan ito ng impresyon na lahat ng relasyon ay
hahantong sa depenetration o termination ng relasyon kung saan sinasalungat
naman nito ang nangyayari sa reyalidad na may mga taong nagsasama ng masaya at
tapat sa isa’t isa.
Ang depenetration ba ay nangyayari
sa lahat ng uri ng Interpersonal Communication?
Paano naman ang mga relasyon sa
pagitan ng magkaibang lahi, halimbawa ng dalawang taong nagmula sa magkaibang
bansa?
Sa mas malawak na pananaliksik
ukol sa teoryang ito, nalaman ko na ang depenetration level, wala mang
kaukulang proseso, mayroon namang mga dahilan kung bakit mayroong mga relasyong
nauuwi sa hiwalayan, inuulit ko, mayroon ibig sabihin hindi lahat.
Ang SPT, partikular na sa
depenetration theory, ay parang pagbili ng isda sa isang suking tindahan sa
palengke, ito ay mayroong Reward- Cost scale na naaayon sa Law of Reciprocity na tumutukoy sa usapin kung bakit
ba nagkakaroon ng depenetration.(Robert B.Cialdini, 1993) Halimbawa:
Matagal na akong bumibili ng isda
sa suki kong tindero, si Mang Pedro. Paborito ko syang bilhan ng isda dahil sa
lagi itong sariwa. Isang araw nagtaas ang presyo ng gas kaya lahat ng produkto
sa merkado ay apektado. Nagbayad ako ng sapat para sa isdang binili ko kay Mang
Pedro kahit mahal ito. Paguwi ko sa bahay tsaka ko lang nalaman na bilasa ito.
Hindi ko muna ito pinansin at inisip ko na lang na baka nagkamali lang sya.
Ngunit ang pagkakamaling ito ay hindi isang beses lang naulit kundi 2(kung
kalian nagsimula na akong magduda) 3,4,5,6 hanggang sa hindi na ako bumili sa
kanya.
Sa senaryong iyon, maipapakita na
hindi natugunan ni Mang Pedro ang pangangailangan ko bilang mamimili bagama’t
nagbabayad ako ng sapat. Ito ay isang halimbawa ng Reward-Cost Scale. Ang
pagbibigay ko sa kanya ng sapat na bayad ang nagsisilbing Cost ngunit ang
pagbibigay nya ng kaukulang serbisyo na hindi nya sa akin naibigay ay ang
Reward. Ang relasyon naming ni Mang Pedro ay naging one sided na naging
dahilang ng terminasyon depenetration.
Kung sa tingin mo naman handa kang
magpakamartir at piliing kumain ng isdang galing kay Mang Pedro kahit na alam
mong bilasa na ito, pinili mo ‘yun pero wag mong iaalis ang katotohanang
darating ka sa punto ng pagkalason at maaring mong ikamatay.
Isa pang halimbawa ay sa pagitan
ng dalawang magkaibigan.
Mula pa lamang sa mababang
paaralan ay magkaibigan na kami ni Dyann, mula sa unang baiting hanggang sa
huli. Pagkatapos ng aming pagtatapos sa elementarya ay hindi na kami nagkita,
palibhasa ay wala pa ako noong telepono, wala akong numero nya o kaya naman ng
mga magulang nya. Hiwalay kaming pumasok sa mataas na paaralan at wala na akong
alam tungkol sa kanya. Apat na taon makalipas ay sumikat ang mga social
networking sites, noon ko naisip na hanapin ang kababata kong kaibigan,
nagtagumpay naman akong nakita sya, nagkaroon pa ako ng pagkakataong
mag-message sa kanya pero hindi nya ako sinagot. Sa unang beses ay hindi ako
tumigil pero nang malaman kong nakikita naman nya lahat ng mga sinabi ko pero
hindi naman nya ako pinagtuunan na sagutin doon na ako nagsimulang tumigil at
nawalan ng ganang kumustahin pa sya.
Nagkaroon ng hindi sapat na
pagtugon sa akin kaya nangyari ang Depenetration sa pagitan namin.
Ang isang relasyon ay hindi
nasusukat ng kahit na anong formula, hokuspokus o mahika, ito ay naglalayon ng
pasensya, tiyaga, respeto at tunay na kagustuhang magsama ang dalawang tayo, sa
ganitong paraan maiiwasan ang depenetration ng isang relasyon.
Sources:
Griffin, Em (2008). A First Look at Communication Theory.
McGraw-Hill, 471 pg., pg. 113
Retrieved: December, 2013
Robert B.Cialdini, 1993, author of The Psychology
of Persuasion, William Morrow, 6 pg., pg. 4
Retrieved: December, 2013 from
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento