SAWSAWAN
ni: Kiko Manalo
Ikinasal kahapon si Mama Sita,
Si Papa Ketsup po ang napangasawa,
Umiyak ang karibal ng masuwerteng binata,
Si Mang Tomas ito na nakakaawa!
Ang nagkasal po sa magkasintahan
Si Datu Puti na lider ng angkan,
Namroblema naman bisita sa handaan,
Sapagkat ang nakahain ay puro sawsawan!
Ang tulang ito ay isinulat ni Kiko Manalo noong
taong 2012, isa sa mga kakaibang tula sa buwan ng wika ng taong iyon. Gagamitin
ko ang teoryang Imahismo sa dekunstraksyon ng tulang ito. Ang teoryang Imahismo
ay isang teoryang pampanitikan na tumutukoy sa Imahen at naniniwalang ang
imahen ang nagbibigay ng kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan pandamdamin
ng mga imaheng nakapaloob sa akda.
Ayon sa tula, may dalawang magkasintahang
ikinasal kahapon na mula sa iisang angkan, sina ay si Mama Sita at Papa Ketsup.
Habang kinakasal ang dalawa ay nagdadalamhati naman ang karibal ni Papa Ketsup
na si Mang Tomas. Samantala si Datu Puti na lider ng angkan ang nagkasal sa
magkasintahan ngunit tila ang mga bisita sa handaan ay hindi masaya dahil ang
handa ay puro sawsawan.
Ayon sa teoryang Imahismo, naging malaya ang
may akda sa pagpili ng subject sa tula. Gumamit sya ng pangkaraniwan o hindi
malalalim na mga salita kaya madali itong maiintindihan. Ang pinatutukuyan ng
tulang ito ang pagiging isa ng mga sikat na brand ng sawsawn na kilala natin. Pinaglaruan
nya ang kanyang imahinasyon gamit ang iba’t ibang uri ng sawsawan. Wala itong
malalim na kahulugan dahil ayon sa teoryang ginamit ko hindi binibigyang
esensyal ang kahulugan at tanging imahinasyong lang ang gusto nitong paganahin.
SOURCES:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento