Miyerkules, Disyembre 18, 2013

kanya- kanyang pananaw

SOCIAL PENETRATION THEORY

                Ang teoryang ito ay ayon sa dalawang sikolohiya na sina Irwin Altman at Dalmas Taylor noong 1973, na tumutukoy sa proseso kung paano nagiging malalim ang pagkilala ng dalawang indibidwal mula sa unang pagkilala maaaring sa pagitan ng dalawang magkaibigan o ng isang ‘intimate’ na relasyon. Ayon sa kanila, mayroong lebel patungo sa malalim na pagkilala ang dalawang indibidwal na pagdadaanan muna para makarating sa ‘core’ ng isang ralasyon. Sumasangayon ako na daraan muna sa pagkilala (orientation stage) ang dalawang tao kung saan nagkakaroon ng unang paguusap at nnalalaman ang pangalan at mga simpleng bagay tungkol sa isa’t isa. Pagkatapos noon ay ang pag-uusap sa mas malalim na bagay (exploratory affective stage) halimbawa ay tungkol sa buhay at sa issue ng lipunan kung saan ang palitan ng opinion at pagkilala sa kung paano mag-isip ang bawat isa ay nangyayari at nagbibigay daan sa pagkakataong makapag-usap ng mas personal at mas sinsero (affective stage), pagkatapos noon ay ang pagkakataong maging emosyonal sa isa’t isa (stable stage). Paglipas ng lebel na ito, ayon sa dalawang sikolohiya, nangyayari ang ‘depenatration’ kung saan nangyayari ang pagputol sa ugnayan ng dalawang indibidwal na hindi nabigyan ng mas malawak na pagpapakahulugan at dahilan kung paano ito nagyayari. Masayadong naging mabilis ang proseso at nagiwan ng katanungan kung gaano ba kalawak at katagal bago mangyari ang pagputol sa ugnayan.


                May mga kritiko na rin na nagpahayag ng ‘di pagsangayon sa teoryang ito. Ang teoryang ito ay naging ‘one sided’ sa lahat ng relasyon. Kung ang depenetration ay tumutukoy sa pagputol ng relasyon ibig sabihin ba lahat ng relasyon ay nagtatapos sa hiwalayan? Hindi rin nabigyan ng konsiderasyon na mas bukas ang mga kababihan kaysa sa kalalakihan pagdating sa emosyon. Masyado ring nag-focus sa intimate relasyonship at hindi na nabigyan ng atensyon ang iba pang uri ng Interpersonal Communication. 

12 komento:

  1. hindi mo nalagay yun stand mo about sa theory, tas okay din sana kung may kwento ka na maidadagdag. :)))

    TumugonBurahin
  2. Punctuation po. May mga parte na pwedeng lagyan ng colon (:). Typo errors, marami-rami din. Sa dulong bahagi ng post mo, may nakalagay na 'ayon sa ibang kritiko'. Paano naman ang sarili mong palagay? Iyon ang dapat na importanteng bahagi ng blog na ito, kaya doon ka dapat nag-focus. Maayos naman ang pagdedeliver ng mga salita, kaya madali lang itong maintindihan. Ayun lang. Alabyu Kim :*

    TumugonBurahin
  3. Naipaliwanag naman ng maayos ang lebel ng napili mong teorya. Hindi nga lang nabigyang pansin kung ano ang nais mong iparating hinggil sa teoryang ito.

    relasyonship atbp. :)

    TumugonBurahin
  4. Bakla, iwasan daw natin magdiscuss, ako din ganon naging problema eh. Yun tas kim lagyan mo ng example na makakarelate yung readers :)))

    TumugonBurahin
  5. May mga typographical errors. Tapos paki-explain ang stand mo.. Medyo boring yung unang part, paiiksiin mo siguro yung pag-talakay mo sa teorya at dagdagan mo yung critique mo. Walang resources. Yun lang.WHAHAHA KIM!! :D

    TumugonBurahin
  6. citations po :) mas mahaba pa yung theory explanations kaysa sa pananaw mo ukol dito. Tsaka translations at spelling :)

    TumugonBurahin
  7. Tisay, iyan din ang problema ko, nag-discuss ako. Hahaha. Pero may final pa naman, dun mo na lang lubusin. :)

    TumugonBurahin
  8. sa teoryang ito, may mga nagcritic na, pero ano ang critic or side mo?...lagyan mo din siguro ng personal experience para mas may hugot...:)lam ko meron...hahaha...citation din...hahaha

    TumugonBurahin
  9. 1
    Kailangan ba talaga ilagay 'yung taon ng teorya?

    2
    Pakiayos ang citation, spelling, grammar. spacing.

    3
    Anong tindig mo sa teorya?

    4
    May maikling maayos na. Ito 'yung maikling bitin. Hindi
    ko maysadong kailangan ying eksplanasyon sa teorya,
    mas kailangan ko 'yung tingin mo doon sa teorya.

    TumugonBurahin