Miyerkules, Pebrero 19, 2014

what makes a place so special?

        Ang intramuros ang isa sa mga lugar na hindi mahal puntahan, kahit wala kang pera sulit pa rin dahil sa mga lugar na makikita mo rito. Ito ay isang lugar na nakapaloob sa isang napakahabang pader na pwedeng daanan o 'di ba ang astig!
        Hindi nasusukat ang quality ng moments with friends sa klase ng lugar na pupuntahan o sa mahal ng pagkaing kakainin.  Ok na kahit walang pera basta masaya. Kaya naman kasama ang ilan sa aking mga kaklase pinuntahan namin ang Intramuros at nilibot ang kabuuan nito. Marami kaming nakita na sobrang nakakamangha at nakakabilib dahil sa anyo at pagkakayari ng mga bagay na makikita dito.





         Sa pagpasok pa lang mula sa main entrance ay mararamdaman mo na ang saya sa lugar na kahit maraming tao, maeenganyo ka pa ring libutin ito. Nakapaloob sa lugar na ito ang iba't ibang Universities gaya ng Lyceum of the Philippines University, Mapua Institute, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Colegio de San Juan de Letran.

         Ang Intramuros ay isa sa mga historical places sa Pilipinas na nabuo sa panahon ng kastila, kaya naman patuloy na pinangangalagaan ang makasaysayang pagkaluma nito, pero dahil sa pag-usbong ng makabagong henerasyon, hindi pa rin mapipigilan ang paunti-unting pagbabago nito gaya na lang ng isang pader na may Graffiti na nagsasabing may bakas na rin ito ng pagbabago.



         Bukod sa pagpunta sa iba't ibang bahagi ng Intramuros ay kumain din kami sa isang restaurant na kilala sa pangalang ILUSTRADO at dito natikman ko ang pagkaing ngayon ko lang nalasahan ang Carrot Cake na sa halagang P90.00 ay hindi ka magsisisi.







        Sobrang nakakasaya sa damdamin na napuntahan ko ang isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas na hindi kailangang gumastos ng malaki at dahil dito hindi ako magsasawang puntahan pa ang ibang lugar na malusog sa kasaysayan at suportahan ang turismo ng sariling bayan dahil ang isang lugar ay nagiging espesyal dahil sa historical value nito at hindi dahil sa laki ng perang ginastos para dito. Ito ang sayang dulot sa akin ng Intramuros.















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento