Miyerkules, Enero 22, 2014

the feeling is mutual


Tumaas ang bill ng kuryente nyo? Huwag kang magalala, the feeling is mutual.

Bilang bahagi ng gitnang uri ng mamamayan, mahirap tanggapin ang biglaang pagtaas ng isa sa mga inaasahan ng tao na makapagpapagaan ng pangaraw-araw na pamumuhay, ang KURYENTE. Sa pagtaas nito mula sa P 12.32 per kilowatt- hour na umakyat sa P 16.16 per kilowatt- hour, samu’t saring reaksyon ang tinanggap ng MERALCO. Marahil sa mata ng mga nasa itaas ng lipunan ay maliit lang ang naging pagitan, pwes hindi sa mga mata ng isang pamilyang nagdarahop at pinagkakasya lang sapat sa araw-araw.

Bakit ba dapat tutulan ang pagtaas?  Dahil sa hindi makatarungang pagpapasya ng MERALCO at hindi sapat na pagkakaroon ng tamang pagpapaalam sa mga tao.

Bakit nga ba nagtaas? Dahil daw sa pagkasira ng Malampaya Power Plant na nagsusuplay ng enerhiya sa malaking bahagi ng Luzon kaya kinailangan ng pag-aangkat mula sa ibang suplayer ng enerhiya.(Ben Kritz, The Manila Times)

Hindi na ba talaga kayang tugunan ng gobyerno ang sapat na pagbibigay ng benepisyo sa mga Pilipino, kaya sa tuwing tataas ang gas o elektisidad damay lahat ng bilihin kaya nahihirapan ang karamihan sa atin dahil sa atin nila ipinapasa ang lahat.

Karugtong ng usaping ito ay ang Malampaya Deepwater Gas-to- Power Plantation na nasa Palawan. Katulad nga ng nasa itaas, ito ang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng Luzon upang magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente. Ang nakakapagtaka ay sa lugar kung nasaan ito ay nakatayo maraming kabahayan parin ang walang sapat na kuryente at gumagamit lang ng mga generator para sindihan ang kanilang ilawan tuwing sasapit ang gabi.

“Malampaya is a prime example of what we can do if we work together towards a shared vision”
‘Yan ang sabi ni Mr. Jericho Petilla, secretary ng Department of Energy sa nakaraang Malampaya Joint Venture Project noong February 21, 2013 na nagbigay ng US $ 1.1 Billion sa gobyerno (Malampaya.com). Ang tanong ngayon nasaan na?

Hanggat walang sapat na dahilan, walang karapatan ang Meralco na magtaas ng presyo. Wala ring karapatan ang gobyerno na suportahan ito dahil sa dami ng mga naghihirap na Pilipino. Imbes na bigyan pa nila ng dagdag na bigat sa pasanin ay dapat pa nilang tugunan ang pangangailangan ng lahat. Mayaman ang bansa natin, nagmumukha lang mahirap dahil sa hindi tamang paggamit ng kung ano ang meron tayo.


Sources:


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento