Miyerkules, Marso 5, 2014

sawsawan


SAWSAWAN

ni: Kiko Manalo

Ikinasal kahapon si Mama Sita,
Si Papa Ketsup po ang napangasawa,
Umiyak ang karibal ng masuwerteng binata,
Si Mang Tomas ito na nakakaawa!

Ang nagkasal po sa magkasintahan
Si Datu Puti na lider ng angkan,
Namroblema naman bisita sa handaan,
Sapagkat ang nakahain ay puro sawsawan!


Ang tulang ito ay isinulat ni Kiko Manalo noong taong 2012, isa sa mga kakaibang tula sa buwan ng wika ng taong iyon. Gagamitin ko ang teoryang Imahismo sa dekunstraksyon ng tulang ito. Ang teoryang Imahismo ay isang teoryang pampanitikan na tumutukoy sa Imahen at naniniwalang ang imahen ang nagbibigay ng kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda.

Ayon sa tula, may dalawang magkasintahang ikinasal kahapon na mula sa iisang angkan, sina ay si Mama Sita at Papa Ketsup. Habang kinakasal ang dalawa ay nagdadalamhati naman ang karibal ni Papa Ketsup na si Mang Tomas. Samantala si Datu Puti na lider ng angkan ang nagkasal sa magkasintahan ngunit tila ang mga bisita sa handaan ay hindi masaya dahil ang handa ay puro sawsawan.

Ayon sa teoryang Imahismo, naging malaya ang may akda sa pagpili ng subject sa tula. Gumamit sya ng pangkaraniwan o hindi malalalim na mga salita kaya madali itong maiintindihan. Ang pinatutukuyan ng tulang ito ang pagiging isa ng mga sikat na brand ng sawsawn na kilala natin. Pinaglaruan nya ang kanyang imahinasyon gamit ang iba’t ibang uri ng sawsawan. Wala itong malalim na kahulugan dahil ayon sa teoryang ginamit ko hindi binibigyang esensyal ang kahulugan at tanging imahinasyong lang ang gusto nitong paganahin.


SOURCES:

Miyerkules, Pebrero 19, 2014

what makes a place so special?

        Ang intramuros ang isa sa mga lugar na hindi mahal puntahan, kahit wala kang pera sulit pa rin dahil sa mga lugar na makikita mo rito. Ito ay isang lugar na nakapaloob sa isang napakahabang pader na pwedeng daanan o 'di ba ang astig!
        Hindi nasusukat ang quality ng moments with friends sa klase ng lugar na pupuntahan o sa mahal ng pagkaing kakainin.  Ok na kahit walang pera basta masaya. Kaya naman kasama ang ilan sa aking mga kaklase pinuntahan namin ang Intramuros at nilibot ang kabuuan nito. Marami kaming nakita na sobrang nakakamangha at nakakabilib dahil sa anyo at pagkakayari ng mga bagay na makikita dito.





         Sa pagpasok pa lang mula sa main entrance ay mararamdaman mo na ang saya sa lugar na kahit maraming tao, maeenganyo ka pa ring libutin ito. Nakapaloob sa lugar na ito ang iba't ibang Universities gaya ng Lyceum of the Philippines University, Mapua Institute, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Colegio de San Juan de Letran.

         Ang Intramuros ay isa sa mga historical places sa Pilipinas na nabuo sa panahon ng kastila, kaya naman patuloy na pinangangalagaan ang makasaysayang pagkaluma nito, pero dahil sa pag-usbong ng makabagong henerasyon, hindi pa rin mapipigilan ang paunti-unting pagbabago nito gaya na lang ng isang pader na may Graffiti na nagsasabing may bakas na rin ito ng pagbabago.



         Bukod sa pagpunta sa iba't ibang bahagi ng Intramuros ay kumain din kami sa isang restaurant na kilala sa pangalang ILUSTRADO at dito natikman ko ang pagkaing ngayon ko lang nalasahan ang Carrot Cake na sa halagang P90.00 ay hindi ka magsisisi.







        Sobrang nakakasaya sa damdamin na napuntahan ko ang isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas na hindi kailangang gumastos ng malaki at dahil dito hindi ako magsasawang puntahan pa ang ibang lugar na malusog sa kasaysayan at suportahan ang turismo ng sariling bayan dahil ang isang lugar ay nagiging espesyal dahil sa historical value nito at hindi dahil sa laki ng perang ginastos para dito. Ito ang sayang dulot sa akin ng Intramuros.















Miyerkules, Enero 29, 2014

"BABALA"

Recto, Manila, Enero 29, 2014- Ang larawang ito ay naglalayong 
magbigay ng babala sa lahat ng pasahero na 
mag-ingat sa masasamang loob.

Miyerkules, Enero 22, 2014

the feeling is mutual


Tumaas ang bill ng kuryente nyo? Huwag kang magalala, the feeling is mutual.

Bilang bahagi ng gitnang uri ng mamamayan, mahirap tanggapin ang biglaang pagtaas ng isa sa mga inaasahan ng tao na makapagpapagaan ng pangaraw-araw na pamumuhay, ang KURYENTE. Sa pagtaas nito mula sa P 12.32 per kilowatt- hour na umakyat sa P 16.16 per kilowatt- hour, samu’t saring reaksyon ang tinanggap ng MERALCO. Marahil sa mata ng mga nasa itaas ng lipunan ay maliit lang ang naging pagitan, pwes hindi sa mga mata ng isang pamilyang nagdarahop at pinagkakasya lang sapat sa araw-araw.

Bakit ba dapat tutulan ang pagtaas?  Dahil sa hindi makatarungang pagpapasya ng MERALCO at hindi sapat na pagkakaroon ng tamang pagpapaalam sa mga tao.

Bakit nga ba nagtaas? Dahil daw sa pagkasira ng Malampaya Power Plant na nagsusuplay ng enerhiya sa malaking bahagi ng Luzon kaya kinailangan ng pag-aangkat mula sa ibang suplayer ng enerhiya.(Ben Kritz, The Manila Times)

Hindi na ba talaga kayang tugunan ng gobyerno ang sapat na pagbibigay ng benepisyo sa mga Pilipino, kaya sa tuwing tataas ang gas o elektisidad damay lahat ng bilihin kaya nahihirapan ang karamihan sa atin dahil sa atin nila ipinapasa ang lahat.

Karugtong ng usaping ito ay ang Malampaya Deepwater Gas-to- Power Plantation na nasa Palawan. Katulad nga ng nasa itaas, ito ang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng Luzon upang magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente. Ang nakakapagtaka ay sa lugar kung nasaan ito ay nakatayo maraming kabahayan parin ang walang sapat na kuryente at gumagamit lang ng mga generator para sindihan ang kanilang ilawan tuwing sasapit ang gabi.

“Malampaya is a prime example of what we can do if we work together towards a shared vision”
‘Yan ang sabi ni Mr. Jericho Petilla, secretary ng Department of Energy sa nakaraang Malampaya Joint Venture Project noong February 21, 2013 na nagbigay ng US $ 1.1 Billion sa gobyerno (Malampaya.com). Ang tanong ngayon nasaan na?

Hanggat walang sapat na dahilan, walang karapatan ang Meralco na magtaas ng presyo. Wala ring karapatan ang gobyerno na suportahan ito dahil sa dami ng mga naghihirap na Pilipino. Imbes na bigyan pa nila ng dagdag na bigat sa pasanin ay dapat pa nilang tugunan ang pangangailangan ng lahat. Mayaman ang bansa natin, nagmumukha lang mahirap dahil sa hindi tamang paggamit ng kung ano ang meron tayo.


Sources: