ang sakit ng labi ko. shocks namamaga ung kalahati ng labi ko. nahalikan na naman ako ng ipis! nakakainis ang sakit. nasa ibang bahay pala ako, nakakahiya, ayaw pang gumising nitong kasama ko. pano ako kakainin? ay hindi na lang, hindi na lng din ako maliligo, nakakahiya eh ako lang tsaka ung mama nya ang gising lang. parang gusto kong linisin ung buong bahay nila, maayos naman kaso wala kasing magawa eh. congarats pala sa tatay kong si bj ocampo na grumaduate kahapon lang. woooooowwwww graduate na, ako isa at kalahating taon pa. inisip ko lang bakit ba kailangang grumaduate para masabing mataas ang level mo sa society? hala ka baka sabihin ng iba pa-deep ako. wala na akong masabi. ang tahimik ng bahay, umalis na ung mama nya, namalengke, ako na lang ang isang gising. wait lang ah...
nagtimpla lang ako ng gatas nila ahahahha. ang sarap. shocks meron pala akong committment ng 10 am para sa thesis. 9:05 na, meron na lang akong 25 minutes para magsulat. malapit lang naman tong tinuluyan ko ng magdamag, wala kasi akong pamasahe kug umuwi ako kagabi sa antipolo. 100 na lang pala pera ko hindi ko alam kung kakasya to hanggang next week, siguro kasya kung lagi akong makikitulog sa loob ng 1 linggo at hindi uuwi sa tunay kong bahay tapos hindi na rin ako kakain, sa loob din ng isang linggo, siguro ang hindi k lang kayang hindi pagkagastusan ay photo copy ng kung ano anong readings, modules, at hand-outs, sa ngaun mas mahalaga un. ang weird, mas gagastos ako sa mga bagay na hindi naman nakakain. ang hirap maging estudyante lalo na kapag wala kang pera. pero konting tiis na lang. swerte parin ako kasi may mga mabubuting tao akong kakilala na handang magpatulog sa sakin sa mga bahay nila, hahahha salamat sa mga kabatch at mga kasama ko sa teatro. sana libre na rin nila ako ng food mamayang tanghali. hehehe.
ano pa bang pwede kong sabihin? panaginip ko? sige, sana matandaan ko pa, o kaya sana hindi ako magkamali sa mga detalye. ang natatandaan ko, may isang babaeng may gusto sa isang lalaki, tapos, ayaw sa kanya nun...tapos... ahhhhh... hindi ko na matandaan, basta ang ending nagising ako bigla tapos ang sakit na ng labi ko dahil sa halik ng ipis, hala siguro habang nananaginip ako lumalapit na sakin ung ipis, tapos, nahuhumaling sya saken tapos lumalaki ung mata nya sabi nya " ang ganda naman ng babaeng to. makagat nga!" aahahhaha baliw, ipis na lang ba talaga ang magkakagusto saken!!! ahahahha. joke!
9:19, meron pa akong mga 11 minutes para magpost dito sa blog ko, wooowww, may blog ako ahahha. nag-post pala ako sa group namin ng mga barkada ko nung highschool, ang tropang glog-glog. ayaw ko ng ikuwento kung bakit glog-glog, tsaka may magandang ikuwento ng personal eh. e di un na nga, nag-post ako ng... andyan na mama nya, silipin ko nga muna... wala pa pala, nag-aayos lang pala ng trycicle si kuya malapit sa gate, para kasing bumukas eh. asan na ba ako, ahhh, o tapos ang pinost ko " may nanliligaw na saken, hindi ko alam gagawin ko" wala pang 10 seconds ni-like ni deil and aye, tapos nag-comment si aye kung sino daw, e sa totoo lang wala naman talaga, nagkunwari lang ako para tingnan ung response nila ahahaah, ako na lang kasi ang hindi nagkaka-jowa at excited sila don e ako naman hindi masyado. ay shocks papa nya ung dumating, hala ano gagawin ko. ihhhh... bumukas na ung gate. hala wait lang ahhhh. ahhhh magkukunwari na lang akong thesis tong ginagawa ko... inhale exhale, binukasan na nya ung gate, ung pinto at umaakyat na sya ng hagdan... good morning po! ... kaso biglang bumaba ulit, hindi nya ako nakita.
nakakahiya talagang makitulog lalo na kapag hindi o close ung magulang, medyo close naman kami nung mama nya dahil ako lang naman ang nagorganize ng debut nitong babaeng tulog na to. naguusap sila sa baba, dumating na kasi si tita. ano kayang gagawin ko, kapag hindi pa ako bumaba, male-late ako sa meeting namin ng mga ka-group ko, sana lumabas papa nya para, deretso tayo ako agad tapos aalis na ako, kaso ang bastos naman nun, kinupkop nila ako magdamag, hayyy lalakasan ko n lang loob ko... sige na hanggang dito na lang muna.
Konting tyaga pa Kim, graduate na din tayo. I-push ang teatro at i-push ang pag-aaral. :D
TumugonBurahinyes jo!!!!! kon ti na lang
BurahinIkuwento mo naman kung bakit glog-glog ang pangngalan ng barkada ninyo. :)
TumugonBurahindahil sa subject na buhay ni rizal nagdududa ka na sa mga lalake no? hehehehe
TumugonBurahinNatatawa ako habang binabasa ko 'to. Lalo na dun sa ipis part. :D Huy Tisay! Kaya mo yan! :)
TumugonBurahinthesis natin!!!! :O
TumugonBurahin